Thursday, July 20, 2017

DUTERTE, EXCITED SA KANYANG PANGALAWANG SONA!!


Nag-e ensayo na ang Pangulo sa  kanyang sasabihin para sa nalalapit nitong pangalawang SONA niya sa bansa ngayong Lunes.
Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar na sinimulan ni Duterte ang kanyang pag e ensayo bandang  ala- syete ng gabi nitong Hwebes lamang sa Presidential guest house nito sa Panacan, Davao City. Sinabi pa ni Andanar, ayaw ng Pangulo na lumampas sa 40 o 50 minuto ang ginawa nitong written speech.

“He wants it direct to the point. I’m estimating the final draft to be between 15 and 18 pages,” ani Andanar sa mga reporters kamakailan lang.

Kasama niya sa kanyang pag-eensayo ay ang Special Assistant ng Pangulo na si Christopher "Bong" Go at Communications Secretary Martin Andanar. Dagdag pa ni Andanar na ang mga sasabihin o ipapahayag ni Duterte sa darating na SONA ay "makabuluhan" at "kapana-panabik.


No comments:

Post a Comment