Nag-e ensayo na ang Pangulo sa
kanyang sasabihin para sa nalalapit nitong pangalawang SONA niya sa
bansa ngayong Lunes.
Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar na sinimulan ni Duterte
ang kanyang pag e ensayo bandang ala-
syete ng gabi nitong Hwebes lamang sa Presidential guest house nito sa Panacan,
Davao City. Sinabi pa ni Andanar, ayaw ng Pangulo na lumampas sa 40 o 50 minuto
ang ginawa nitong written speech.
“He
wants it direct to the point. I’m estimating the final draft to be between 15
and 18 pages,” ani Andanar sa mga reporters kamakailan lang.
Kasama niya sa kanyang pag-eensayo ay ang Special Assistant ng Pangulo na si Christopher "Bong" Go at Communications Secretary Martin Andanar. Dagdag pa ni Andanar na ang mga sasabihin o ipapahayag ni Duterte sa darating na SONA ay "makabuluhan" at "kapana-panabik.