Thursday, July 20, 2017

DUTERTE, BUMISITA NA SA MARAWI!!

Matapos ang ilang  pagtatangkang mapuntahanan ng Pangulo ang Marawi, ay nabisita na rin ni Duterte ang naturang lugar  nitong Huwebes, July 20, 2017 lamang.

Dumalaw si Duterte sa Marawi  eksaktong apat na araw bago matapos ang deklarasyon ng batas militar sa Mindanao. Ang Punong Ehekutibo ay nagdeklara ng batas militar sa Mindanao noong Mayo 23, matapos ang pag-atake ng grupong Maute ay nag-iwan ito ng daan-daang patay at libu-libong pamilya ang nawalan ng tirahan.

Batay sa ulat nitong July 19, 2017 ay naitalang umabot na sa 565 ang nadeklarang patay sa bakbakan sa Marawi, kabilang na ang 421 terorista, 99 hukbo ng pamahalaan at 45 na sibilyan. Nitong Hulyo 7 lamang ay tinangka ng Pangulo na bisitahin ang Marawi ngunit kinansela din dahil sa masamang panahon.
(photo credits from JTF Marawi)

No comments:

Post a Comment