Muling gumawa ng panibagong rape joke si Pangulong Rodrigo
Duterte kamakailan lamang sa isang Tourism event sa Davao City.
“What I don’t like are kids [being raped],” ani Pangulong
Duterte. “You can mess with, maybe a Miss Universe. Maybe I will even
congratulate you for having the balls to rape somebody when you know you are
going to die,” dagdag pa ng Pangulo.
Matatandaang nag rape joke ang Pangulo matapos ang isang
matagumpay na kaganapan sa Miss Universe beauty pageant noong nakaraang Enero
na ngayon din naman ay nagpapahiwatig ng posibilidad na maaaring sa bansa muli
gaganapin ang susunod na beauty pageant ngayong Nobyembre. Makailang ulit na
ring sinaway ang Pangulo sa mga rape joke nito mula sa kanyang mga kritiko dito
sa bansa at kahit sa labas ng bansa kahit paman noong ito’y tumatakbo pa lamang
sa pagka pangulo noong nakaraang taon.
Sa isang campaign rally nito noong Abril 12,
2016, pinag-usapan niya ang tungkol sa Australian missionary na si Jacqueline
Hamill, isang kidnapped victim na ginahasa at pinatay sa isang hostage incident
sa Davao City noong 1989. “She was so beautiful. I thought, the mayor
should have been first,” ani Duterte na noo’y Alkalde pa ng Davao City. Ang
naging pasaad ng Pangulo ay kinondena ng nakararami hindi lamang ng bansa pati narin sa ibang bansa.
Sa kabila ng lahat ng mga naging rape joke ng butihing
Pangulo ay agad namang binabawi nito ang mga sinasabi sa publiko. Kahit paman
sa mga sinasabi ng Pangulo ay tanggap na ito ng mga tagasunod, tagahanga at ng
mga sumusuporta sa Pangulo.
O anu mga ka DDS? Anung sey niyo rito? Magkomento para sa
inyong mga konklusyon patungkol sa isyung ito.