Matapos ang ilang pagtatangkang mapuntahanan ng Pangulo ang Marawi, ay nabisita
na rin ni Duterte ang naturang lugar nitong Huwebes, July 20, 2017 lamang.
Dumalaw si Duterte sa Marawi eksaktong apat na araw bago matapos ang deklarasyon
ng batas militar sa Mindanao. Ang Punong Ehekutibo ay nagdeklara ng batas
militar sa Mindanao noong Mayo 23, matapos ang pag-atake ng grupong Maute ay
nag-iwan ito ng daan-daang patay at libu-libong pamilya ang nawalan ng tirahan.
Batay sa ulat nitong July 19, 2017 ay naitalang umabot na sa 565
ang nadeklarang patay sa bakbakan sa Marawi, kabilang na ang 421 terorista, 99
hukbo ng pamahalaan at 45 na sibilyan. Nitong Hulyo 7 lamang ay tinangka ng
Pangulo na bisitahin ang Marawi ngunit kinansela din dahil sa masamang panahon.
![]() |
(photo credits from JTF Marawi) |