Monday, July 17, 2017

LATEST NEWS: DUTERTE, MAY MENSAHE KAY FVR!!

Pinuna ng makailang beses ni dating pangulong Fidel Ramos si Pangulo Rodrigo Duterte ngunit para kay Duterte, si Ramos pa rin ang modelo nito. Kamakailan lamang, sa isang book launch ni Ramos sa Camp Aguinaldo noong Lunes ng hapon, kinilala siya ni Duterte bilang kanyang numero unong idolo at kritiko.

“You are my number one supporter, but at the same time you are my number one critic now,”
“I respect your criticism. I accept your advice and maybe I will mimic your role as president before — I will follow you, just like what the shirt says,” ani Duterte.
“Only difference is that, I am not a military man. But love of country, patas tayo, sir. I  would say that I love my country as much as you do, and we are ready to die for this country,” dagdag pa ng Pangulo.

Nagbigay naman ng regalo si Ramos kay Duterte na isang shirt na may mga katagang “Follow Me” ang naging motto ng Fort Benning sa Georgia, kung saan nakuha niya ang mga espesyal na kurso sa militar noon.

Ang dating pangulo, na kabilang sa mga naniniwala sa dating alkalde ng Davao City na tumakbo sa eleksyong 2016, ay patuloy na nagpahayag ng suporta kay Duterte.

No comments:

Post a Comment